twitter
    Follow me! :)

Saturday, August 20, 2011

Pagiging MALAYA!


     Isipin mo na lamang kung wala tayong ginagamit na wika. Makakamit kaya natin ang kaunlaran, ang kaligayahan, ang kasaganahan ng buhay na maibibigay sana sa atin ng wika? Kailangan natin ang wika. Sapagkat ito’y instrumento na ginagamit sa pagunlad ng bansa. Ito ang tulay upang maipatupad ang mga patakarang ikabebenipisyo nating mga Pilipino. Wika, at tanging wika ang ating dapat gamitin upang makamit ang hustisyang pilit sa atin ipinagkakait ng mga ganid at salot sa lipunan. Ang ating sariling wika ang nag-iisang daan tungo sa kaunlaran at katarungang dapat natatamasa ng ating bayan.


      Bilang bahagi ng ating kultura, isa ito sa mga naging daan para sa pagkakakilanlan ng ating bansa.  Sa pagkikipag-komunikasyon, sa pag-papahayag ng damdamin, sa kaunlaran ng bansa, sa pag-kamit ng katarungan, at kahit sa pag-uulat ng dapat iulat, wika ang tanging armas ng tao. Ang pag-gamit natin ng ating wika ay sumisimbulo na tayo ay malayang tao. Malaya sa pag-papahayag, sa pag-lalathalata, at sa pakikipag-talastasan. Ang wika ang tamang daan para malaman ang katotohanan.


      Hindi natin kailangang mag Ingles o ano pa mang banyangang linggwahe. Ang ating wika, ang wikang minahal ni Rizal. Ito ang wikang Filipino!
Tila nawawala na ang pagpapahalaga sa ating wika

_________________________________________________________________________________________________


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook

2 comments:

  1. tama! hindi natin kailangan ng ibang wika, sariling atin, tangkilikin,gamitin, pagyamanin at mahalin!

    ReplyDelete
  2. Salamat sa kumento!
    Hindi natin kailangan yaong wikang hindi naman atin... Tama iyan!

    ReplyDelete