rss
twitter
    Follow me! :)

Saturday, August 27, 2011

Wikang Filipino: Ito nga ba ang makatutuwid ng ating landas?

Ang Wikang Filipino ay ating ginagamit sa araw-araw. Ngunit mayroong mga Pilipinong nanggaling sa ibang bansa na ang ginagamit na wika ay Ingles. Dahil sa sila ay nasanay, ito na ang kanilang ginagamit araw-araw.

Kung pagbabasehan natin ang dalas ng paggamit ng Filipino sa bansa, siguro, apatnapung porsyento na ang gumagamit ng Ingles sa Pilipinas.

Nagagamit nga ba natin ang wikang Filipino nang tama?

Ito nga ay nakakatulong sa ating mga Pilipino upang umunlad. Ngunit sa dami ng gumagamit ng wikang Ingles, ang mga Pilipinong, sabihin na nating, walang pinag-aralan, ay hindi makakaintindi kapag ginagamit natin ang wikang Ingles sa pagpapalaganap ng mga bagong batas sa lipunan.

Saturday, August 20, 2011

Pagiging MALAYA!


     Isipin mo na lamang kung wala tayong ginagamit na wika. Makakamit kaya natin ang kaunlaran, ang kaligayahan, ang kasaganahan ng buhay na maibibigay sana sa atin ng wika? Kailangan natin ang wika. Sapagkat ito’y instrumento na ginagamit sa pagunlad ng bansa. Ito ang tulay upang maipatupad ang mga patakarang ikabebenipisyo nating mga Pilipino. Wika, at tanging wika ang ating dapat gamitin upang makamit ang hustisyang pilit sa atin ipinagkakait ng mga ganid at salot sa lipunan. Ang ating sariling wika ang nag-iisang daan tungo sa kaunlaran at katarungang dapat natatamasa ng ating bayan.


      Bilang bahagi ng ating kultura, isa ito sa mga naging daan para sa pagkakakilanlan ng ating bansa.  Sa pagkikipag-komunikasyon, sa pag-papahayag ng damdamin, sa kaunlaran ng bansa, sa pag-kamit ng katarungan, at kahit sa pag-uulat ng dapat iulat, wika ang tanging armas ng tao. Ang pag-gamit natin ng ating wika ay sumisimbulo na tayo ay malayang tao. Malaya sa pag-papahayag, sa pag-lalathalata, at sa pakikipag-talastasan. Ang wika ang tamang daan para malaman ang katotohanan.


      Hindi natin kailangang mag Ingles o ano pa mang banyangang linggwahe. Ang ating wika, ang wikang minahal ni Rizal. Ito ang wikang Filipino!
Tila nawawala na ang pagpapahalaga sa ating wika

_________________________________________________________________________________________________


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook

Saturday, August 13, 2011

Ang Pagpapatupad ng Disiplina at Kaunlaran: Ginagamit ba ang wikang Filipino?

“ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.”
                                                                -Ito ang nakasaad sa Konstitusiyon ng 1935.


Sa eskuwelahan, ang kadalasang ginagamit na wika ay wikang Ingles. Maging sa paggawa ng batas, ang wikang iyon ang ginagamit. Ito ba ay kailangan upang tayo ay umunlad?

Kahit na ganito ang sitwasyon nating ngayon, kailangan nating pag-ibayuhin ang paggamit ng ating wika upang kapag mayroon silang narinig na balita, mas maintindihan ng mga taong hindi man lang nakapag-aral.

Ang mga mahihirap na walang pantustos upang makapag-aral ay nagsisikap na magtrabaho upang sila ay makapag-aral dahil alam nila ka kapag sila ay nakapag-aral, bubuti ang kanilang buhay. Nakatutulong din ang pag-aaral sa pag-unlad ng bansa dahil magkakaroon sila ng trabahong marangal na nakakadagdag sa kita ng bansa. Kaya kahit hindi nila pag-aralan ang wikang Ingles, namumuhay sila ng maayos dahil sa pag-aaral.

Hindi natin kailangan ng ibang lengguwahe upang umunlad. Ang kailangan natin ay kooperasyon at pagmamahal sa bansa. Mabuhay!

_______________________________________________________________________________________


This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher's Notebook

Wednesday, August 3, 2011

May Pagpapahalaga pa ba sa ating Pambansang Wika?

Noong una ako'y napaisip, Ano kaya ang nangyayari sa ating bansa ngayon?


Ang bansa natin ngayon ay nagkakaroon ng mga bisitang galing sa ibang bansa. Ngunit kailangan ba talagang makalimutan ang ating wika? Sa dinami-daming lenggwaheng alam ng mga Pilipino ngayon, talagang kinakalimutan na nila ang improtansya ng ating wika.


Sa dami ng taong nangingibang bansa, nababawasan ang mga taong naninirahan sa ating bansa at nakakaligtaan na sila ay isang Pilipino. 

Ang pagiging Pilipino ay hindi dapat natin ikahiya. Kahit na tayo ay mayroong mga bagay na hindi alam, mayroon naman tayong sariling atin na hindi dapat ikahiya. Ang lengguwaheng Filipino ay binubuo ng iba't-ibang lengguwahe katulad ng Spanish o EspaƱol.

Sa mga Pilipino ngayon, limampu't limang porsiyento o 55% lamang ang nagsasalita ng Filipino. Mayroon tayong 111 na natatanging katutubong wika, at sa mga lengguwaheng iyon, sampu o 10 lang ang nagagamit sa iba't-ibang rehiyon. Kung gayon, kailangan nating gamitin at pag-ibayuhin ang paggamit ng ating pambansang wika.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook